Bela Padilla, tinapos na nga ba ang pagkakaibigan kay Dani Barretto?

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 02:40 PM | Updated as of Sep 29 2019 06:21 PM

MAYNILA -- Friendship over? 

Tila ito ngayon ang tingin ng mga fans ng aktres ni Bela Padilla sa naging pag-unfollow niya sa kanyang malapit na kaibigan na si Dani Barretto sa Instagram.

Nitong Linggo, umugong ang tila pagwawakas ng pagkakaibigan ng dalawa matapos ang kapansin-pansin na pag-unfollow ng isa't isa sa kanilang social media accounts.

Matatandan na sa kalagitnaan nang pinagusapang gusot nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto, naipit ang pangalan ni Bela dahil sa pagiging malapit niya kay Bea kasunod ng isang dinner kasama ang malalapit nilang mga kaibigan.

Sa naging panayam kamakailan kay Bela sa "Tonight With Boy Abunda," sinabi rin ng aktres na sinusubukan niya ang mag-lie low sa Instragram at sinisimulan rin ang pagbabawas ng mga tao na kanyang pina-follow sa social media.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa parehong panayam rin, sinabi niya na naniniwala siya na naiintindihan siya ni Dani at ng ilang kaibigan sa kanyang dahilan ng social media detox.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.