Mga bituin, sabik na para sa ABS-CBN Ball

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2018 08:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inihayag ng ilang Kapamilya stars ang kanilang pananabik na ibida ang kanilang mga kasuotan sa red carpet at maka-bonding ang isa't isa sa ABS-CBN Ball sa Sabado.

Isa rito ang "Halik" actor na si Sam Milby na taon-taon umanong inaabangan ang okasyon dahil pagkakataon daw ito para makasama ang mas maraming kapwa bituin ng Kapamilya network.

"We're all one big family," ani Milby.

Susuotin ni Milby ang suit na gawa ng fashion designer na si Francis Libiran.

Bonding din ang pinaghahandaan nina BoybandPH member Joao Constancia at ang nauugnay sa kaniyang si Sue Ramirez.

"Excited ako kasi makikita ko 'yong mga nakatrabaho ko before," ani Ramirez.

"The main thing that I'm looking forward to is the social interaction," ani Constancia.

Kinumpirma naman ni Maris Racal na makaka-date niya sa okasyon ang katambal na si Iñigo Pascual.

Ipinagmalaki naman ni "Ang Probinsyano" star Yassi Pressman ang kaniyang gown na ginawa mismo ng kaniyang kaibigan.

"It's very simple pero ganoon talaga 'yong gusto kong maging hitsura eh," sabi ni Pressman ukol sa kasuotan.

Mag-isa mang rarampa sa red carpet, makakasama naman ni Pressman ang co-stars sa "Ang Probinsyano," gaya ng leading man niyang si Coco Martin.

Ilan pa sa mga kumpirmadong dadalo ay sina Pia Wurtzbach, Vice Ganda, Judy Ann Santos, Sharon Cuneta, Anne Curtis, Erwan Heussaff, at Ian Veneracion.

Si Boy Abunda naman ang magho-host ng ball.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.