Luis, itinangging gusto nang magpahinga ni Jessy sa showbiz

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2017 11:43 AM

Todo suporta si Luis Manzano sa girlfriend na si Jessy Mendiola, ngayong nalulungkot raw ito sa takbo ng kanyang career.

Kabilang sa mga hinaing ni Jessy, matagal na raw siyang hindi napapasama sa isang teleserye.

Ang huling teleserye ni Jessy ay "You're My Home" na nagtapos noong 2016.

Pero payo sa kanya ni Luis, normal lang daw 'yan sa mga artista at darating din daw ang right time para sa right project.

Itinanggi rin ni Luis ang usap-usapang gusto nang magpahinga ng girlfriend sa showbiz.

Umagang Kay Ganda, Setyembre 28, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.