PatrolPH

Francine Diaz, inaming maaring magkagusto kay Seth Fedelin

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2022 03:06 PM

MAYNILA -- Bukas ang aktres na si Francine Diaz sa posibilidad na magkagusto siya sa aktor at bago niyang love team partner na si Seth Fedelin.

Ito ang inamin ni Diaz sa pagsalang niya sa lie detector test challenge sa pinakabagong vlog ng The Squad 2022 sa YouTube.

Watch more News on iWantTFC

Tinanong ni Fedelin si Diaz kung may "chance ba na magkagusto ka sa akin?" Sagot ni Diaz: "Yes."

Base sa resulta ng lie detector test, nagsabi ng totoo ang aktres 

Ipinaliwanag naman ni Diaz ang kanyang sagot nang bigyan ito ng pagkakataon.

"Baka. Kasi lagi naman tayong magkakasama, at saka matagal na naman tayong magkakilala," ani Diaz na nagsimulang makatrabaho si Fedelin sa seryeng "Kadenang Ginto." 

Nang tanungin naman ni Fedelin si Diaz kung ano ang magugustuhan nito sa kanya, sagot ng aktres: "Humor."

Sa lie detector, sinagot din ni Diaz ang ilang mga tanong mula sa totoo nitong edad, bashers sa social media, at maging tungkol sa pag-ibig.

Ayon kay Diaz, wala pa siyang nagiging nobyo at wala ring nanliligaw sa kanya ngayon.

Matatandaang nauna nang sumalang sa lie detector test si Fedelin kung saan inamin niya na nagkaroon siya ng crush kay Diaz.

Nakatakda sina Diaz at Fedelin na magkatrabaho sa paparating na seryeng "Dirty Linen" kung saan makakasama rin nila sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.