PatrolPH

Ritz Azul, nilinaw na hindi siya nililigawan ni Joseph Marco

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2019 11:51 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco) on

MANILA -- Itinanggi ng aktres na si Ritz Azul ang isyung nililigawan siya ng kanyang kasamahan sa "Los Bastardos" na si Joseph Marco.

Sa nakaraang press conference para sa pagtatapos ng nasabing serye, nilinaw ni Ritz na walang namamagitan sa kanila ni Joseph.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Reyma Buan Deveza (@reymabd) on

"Kami ni Joseph, sobrang maayos ang pagtatrabaho namin, sobrang professional. Friends kami ni Joseph," ani Ritz.

"Hindi, hindi [siya nanliligaw]," dagdag niya.

Maging si Joseph ay binigyang-linaw ang isyu at sinabing kinikilala pa nila ang isa't isa.

"We are good friends. Okay kami, we are friends. Masasabi ko lang na we are still getting to know each other," aniya.

Mapapanood ang huling episode ng "Los Bastardos" ngayong Biyernes, Setyembre 27.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.