Kathryn at Daniel, bakasyon muna bago sumabak sa bagong proyekto

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2019 11:21 AM | Updated as of Sep 27 2019 12:28 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

MANILA -- Hindi maitago ni Karla Estrada ang kasiyahan sa pagbabalik-serye ng kanyang anak na si Daniel Padilla kasama ang ka-love team nito at nobya na si Kathryn Bernardo.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, nagbigay din ng pahayag si Karla sa estado ng relasyon ng magkasintahan.

"Ako naman sa nakikita ko lang ay very okay sila. Nag-mature na kasi sina Kathryn at Daniel. So, hindi mo na alagain kung paano mo sasabihan, kung paano magdala ng isang relasyon," aniya.

"Maganda 'yon na naggo-grow kayo together. Hindi perfect, may hindi pagkakaunawaan, pero healthy 'yon para mas lumalim ang kanilang samahan."

Pagbahagi pa ni Karla, nasa ibang bansa ngayon ang dalawa para makapagpahinga bago sumabak muli sa trabaho. 

"Ngayon, katulad ng binanggit ni Kathryn na magta-travel sila, out of the country sila ngayon. Recharge lang 'yon para hindi ba, pagbalik nila trabaho ulit [nang] todo," ayon sa host na iginiit ang walang sawang suporta niya at ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa sikat na tambalan.

Watch more in iWant or TFC.tv

Matatandaang nito lamang Linggo, sa harap ng kanilang mga tagahanga, ay ibinahagi ni Kathryn ang muli nilang pagsasama sa serye ni Daniel ngayong 2020.

Huling nagkatrabaho sina Kathryn at Daniel sa 2017 seryeng "La Luna Sangre" at pelikulang "The Hows of Us" noong nakaraang taon.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.