Nora Aunor, game na makasama muli si Vilma Santos sa isang pelikula

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2018 08:27 PM

MAYNILA — In the mood sa pagsagot si Nora Aunor sa naganap contract signing ng kanyang talent na si John Rendez sa Star Music nitong Huwebes.

Si Nora ang tumatayong business manager ni John na magpapatuloy ng kanyang karera sa Kapamilya record label.

Bilang isang singer, aminado si Nora na na-miss niya ang muling maging aktibo sa larangan ng musika.

“Unang-una, ang pagiging mangaawit ko, diyan ako talaga nagumpisa. And sa tagal ng panahon na hindi ako nakakakanta, nami-miss ko talaga,” tugon ni Nora sa ABS-CBN News.

“At dahil sa hindi pa ako makakanta sa ngayon, siyempre gusto ko maibigay sa katulad ni John na hindi din nakapagpatuloy ng kanyang singing career. So umaasa ako na dito sa Star Music ay mabibigyang-buhay ulit ang kanyang talent na ibinigay ng nasa-itaas,” paliwanag pa niya.

Pagdating naman sa paggawa ng pelikula sa Star Cinema, hindi pa rin isinasara ni Nora ang mga pagkakataon sa usapin na ito.

“Kung may offer, buong puso kong tatanggapin ‘yun," ani Nora.

Game din daw ang Superstar sa muling pagsasama nila sa pelikula ni Vilma Santos.

“May mga kumakausap sa amin na gumawa ng pelikula, pero ang nagiging problema nga lang ay ‘yung scheduling, baka hindi magtugma ang scheduling,” aniya.

“Pero malay natin, dumating ang panahon magkakasama rin kami,” pahayag pa ng aktres.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.