KathNiel, ikakasal na nga ba? Mga ina ng love-team partners, may cryptic post

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2020 10:50 PM | Updated as of Sep 27 2020 06:22 PM

Watch more in iWantTFC

Muling umugong ang haka-haka sa social media tungkol sa isang celebrity wedding nang mag-post ang mga ina nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kani-kaniyang Instagram account.

Nagpost si Min Bernardo, kilalang Mommy Min sa mga fans ni Kathryn, ng wedding gown Biyernes, Setyembre 25, sa photo sharing platform na may caption na: "K💍N".

Ito'y agad na kinakiligan ng mga fans ng Kapamilya love team na KathNiel. Napuno tuloy ng kilig at saya ang comment section ng mga fans na nag-aabang sa update tungkol sa dalawa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

K💍N

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on

Samantala, ang "Magandang Buhay" host naman na si Karla Estrada, na tanyag sa tawag na Momshie Karla, ay nag-post ng simple ngunit eleganteng mga envelope na mukhang wedding invitations na may kaparehong caption. 

Sari-saring interpretasyon ang lumutang mula sa mga kaibigan ng aktres at sa mga tagahanga ng KathNiel.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

K💍N

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

Hindi napigilan ng mga fans at followers ng celebrity moms na umasa sa mga ipinost ng ina ng loveteam.

Nakaramdam naman ang ilang fans na tila teaser naman ang mga ito para sa nalalapit na proyekto ng dalawa. 

Bago nagkaroon ng community quarantine dahil sa pandemya ay inanunsiyo ng dalawa na magkakaroon sila ng balik-tambalan matapos ang kanilang project break na magkasama. 

Matatandaang Mayo ng taong ito nang unang nag-post si Estrada ng wedding ring at beach na hinuhang dream wedding ng magkatambal na sa loob ng 9 taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.