Matty, Enzo at Lucas ng 'Idol PH,' handang harapin ang diskriminasyon

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2019 05:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Handang harapin ng mga "Idol Philippines" finalists na sina Matty Juniosa, Enzo Almario at Lucas Garcia ang diskriminasyon para lang maipagpatuloy ang kanilang karera sa showbiz. 

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, masayang ibinahagi ng tatlo na pawang mga miyembro ng LGBT community na nagsimula ang kanilang grupong tinatawag nilang iDolls sa naging concert ni Vice Ganda, isa sa mga hurado ng "Idol Philippines." 

"Bago pa lang mag-start 'yung 'Idol Philippines,' may grupo na kami ni Enzo; si Matty ang bagong recruit," ani Lucas tungkol kay Matty na inaming nalungkot nang magtapos ang kanyang laban sa "Idol Philippines." 

"Tapos sa concert ni Meme Vice, in-invite niya kami to perform as a group bilang Destiny's Child pong bago. Charot!" dagdag ni Matty na inaming nakatulong sa kanyang pagbangon ang pagdating ng mga bagong kaibigan na sina Enzo at Lucas. 

Nanindigan din ang tatlo na handa nilang harapin ang mga pagsubok, maging ang diskriminasyon, para ipagpatuloy ang kanilang pangarap.

"Super willing po ako na ituloy ito. Kasi siyempre ako po personally ang advocacy ko as a person is to break the stigma, break the stereotype about the LGBT community. And nung na-meet ko sila parang I share the same advocacy with people who are as talented and I've never seen this much talent before," ani Matty.

"'Yun talaga ang pangarap ko, 'yung matanggap kami, matanggap ng industriya as an openly gay singer. Ngayon gusto ko siyang harapin kasama itong dalawang ito. Gusto ko 'yung tatlo kami, makikipagsuntukan at haharapin ang diskriminasyon," ani Lucas.