John Lloyd, bumiyahe patungong Amerika?

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2019 04:41 PM | Updated as of Sep 26 2019 05:21 PM

MAYNILA -- Sa kabila ng mga balitang magbabalik-showbiz na si John Lloyd Cruz, nagtungo umano ang aktor sa New York kasama ang kanyang ina.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JohnLloyd ❤️ Bea (@myhappy_pill) on


Sa Instagram post ng fan account na @myhappy_pill, kita ang retrato ng mag-ina sa loob ng eroplano.

"Update: Mommy Aida and JLC going to New York," ayon sa caption.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JohnLloyd ❤️ Bea (@myhappy_pill) on

May post din ng retrato ni John Lloyd nang mag-stop over ito sa South Korea bago tumungo sa Amerika kung saan sinasabing naninirahan ang kanyang kapatid.

Sa naging post naman ng aktor nitong Lunes, Setyembre 23, ibinahagi nito ang retrato ng mga ulap na tila kuha mula sa loob ng eroplano.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @dumpsitegallery on

Bago ang sinasabing pagtungo ni John Lloyd sa Amerika ay namataan pa ito kasama ang kanyang dating ka-love team na si Bea Alonzo na nanood ng musikal na "Himala" noong Sabado.

Muling nagkasama sina Bea at John Lloyd ilang linggo matapos lumabas ang balitang hiwalay na 'di umano ang aktor kay Ellen Adarna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.