Awra Briguela, nanakawan

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2019 09:20 AM | Updated as of Sep 26 2019 09:33 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nag-post sa kanyang Instagram account ang aktor na si Awra Briguela tungkol sa pagkawala ng kanyang cellphone sa pinuntahang bazaar.

Ayon kay Awra, may nagpanggap umanong store assistant na tumulong sa kanya at mga kasama.

Sinabihan pa siyang ilagay sa isang lugar ang kanilang bag para hindi maabala sa dami ng tao.

Pagkatapos nito ay nagpaalam na ang babae. Hindi nila namalayan na natangay na pala ang kanilang bag.

Nagpalit pa umano ng damit ang babae bago umalis sa gusali.

Nanawagan naman si Awra na sana ay makonsensiya ang salarin.

-- Umagang Kay Ganda, Setyembre 26, 2019