'Tawag' champ Janine Berdin, excited na sa ABS-CBN Ball

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2018 11:34 AM | Updated as of Sep 26 2018 01:39 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JANINE BERDIN (@janineberdin) on

MANILA -- Labis ang pasasalamat ni Janine Berdin ang pangalawang kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" sa pagkakataon na maging parte ng ABS-CBN Ball na gaganapin ngayong Sabado, Setyembre 29.

Sa panayam ng ABS-CBN News nitong Martes, aminado si Janine na hindi niya inakalang magiging parte siya ng malaking selebrasyon ng Kapamilya network. 

"Sobrang honored po ako na isa po ako sa mga pinili na imbitahan para sa ABS-CBN Ball. Dati po nakikita ko lang po 'yung mga picture online ng mga ball. Ngayon invited na po talaga ako. Kaya sobrang thank you po sa ABS-CBN for having me," ani Janine na todo rin ang paghahanda. 

"Siyempre po nagpapayat po at baka hindi po magkasya ang gown. Lots of rest para clear ang skin para sa ball and pini-prepare ko rin ang boses ko kasi kasi may surprise kaming gagawin para sa ball," ani Janine na excited na makasama ulit ang kanyang "Tawag ng Tanghalan" family sa ball.

"Hindi ko po alam kung ano ang i-expect ko. First time po, hindi ko alam kung ano ang feeling. Siguro po pagdating ko roon at first mahihiya ako ng slight kasi 'yun po mga bigating stars ang makikita ko at mami-meet ko roon. Super thankful po ako na makakasama ko ang TNT family ko. Sila rin po ang makakasama ko sa ball kasi pinakamalapit sa akin po," ani Janine.

Para sa ABS-CBN Ball, isusuot ni Janine ang likha ng designer na si Mikee Andrei.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.