James, Nadine 'excited' makisaya sa ABS-CBN Ball

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2018 08:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Handa at excited na sina James Reid at Nadine Lustre sa unang pagdalo nila sa ABS-CBN Ball sa Sabado.

Matching black ang outfits ng dalawa, na unang beses dadalo sa ball. 

Ang global Pinoy designer na si Michael Cinco ang gagawa ng suit ni Reid, habang isa ring Dubai-based designer na si Garimon Roferos ang may likha ng susuotin ni Lustre.

“I'm so excited, because I wanna dress up,” ani Lustre. 

Makakasama nina Reid at Lustre ang iba pang love teams at bituin sa halos 500 na inaasahang dadalo sa ball. 

Pero giit nila, mag-eenjoy lang sila at walang mangyayaring "kompetitsyon."

“The ball is really for us...and not what other people think,” ani Reid. 

“We're just there to look great and have fun,” dagdag ni Lustre —Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.