Pilot episode ng 'The Good Son', patok sa ratings

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2017 04:59 PM

Mas maraming Pilipino ang sumubaybay sa unang episode ng pinakabagong Kapamilya teleserye na "The Good Son" nitong Lunes.

Nanguna sa national TV ratings ang "The Good Son" na nakakuha ng 18.1% kumpara sa katapat nitong "My Korean Jagiya" na nakakuha lamang ng 10.9%, base sa datos ng Kantar Media.

Pumatok rin sa social media ang kwento nitong kumurot sa puso ng mga manonood.

Nakasama sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag nitong #TGSTheBirthday at umani ng libo-libong tweets.

Iba't ibang reaksyon ang nakuha ng unang episode ng "The Good Son" mula sa mga netizen na pumuri sa kalidad ng kwento at husay ng cast nito.

:

Nitong Lunes, nakilala na ng mga manonood ang apat na anak ni Victor (Albert Martinez) mula sa dalawang pamilya na sina Joseph (Joshua Garcia), Obet (McCoy De Leon), Enzo (Jerome Ponce), at Calvin (Nash Aguas).

Nauwi sa pagluluksa ang selebrasyon ng kaarawan ni Victor matapos itong atakihin sa puso.

Ang trahedyang ito rin ang magiging simula ng pagkabunyag ng mga lihim na itinatago ni Victor kaugnay ng kanyang dalawang pamilya.

Ano nga ba ang katotohanan sa pagkamatay ni Victor? Paano ito makakasira sa maayos na buhay ng kanyang dalawang pamilya? Anong kapalaran nga kaya ang naghihintay sa apat niyang anak?

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” gabi-gabi pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. 

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @DreamscapePH sa Twitter at Instagram.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.