Kim at Gerald, bakit malapit sa pamilya ni Jorge Carino?

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2017 11:59 AM

MANILA -- Pangalawang magulang ang turing nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa mag-asawang Daisy at Jorge Cariño.

Nito lamang Setyembre 2, naging saksi sina Kim at Gerald sa renewal of vows nina Daisy at Jorge para ipagdiwang ang kanilang 25th wedding anniversary.
 
Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, ibinahagi ni Daisy, isang dubbing director, na nagsimula ang pagiging malapit ng kanyang pamilya sa mga bida ng seryeng "Ikaw Lang Ang Iibigin" simula pa lamang noong lumabas ang mga ito sa "Pinoy Big Brother" house noong 2006.

"Si Gerald kasi paglabas nila ng 'PBB,' hindi ba nagkaroon sila ng teleserye 'yung 'Sana Maulit Muli.' So, kailangan ng production na tututok sa kanya para sa Tagalog niya. Siya 'yung unang-unang kliyente ko sa Tagalog dialogue coaching on the set. So naging close siya sa akin kasi everyday, whole day ng taping, tapos kinabukasan may session pa kami sa bahay niya. So naging super close siya sa akin," ani Daisy.

"Si Kim naging close na din sa akin. So parang naging nanay niya ako, parang anak-anakan ko na siya talaga kasi nga wala naman siyang ibang kasama dito. Kapag kailangan ni Kim ng nanay, ayan tatawag 'yan o pupunta sa bahay namin. 'Mama Dais dito muna ako kasi on call pa ako.' Kaya naging part talaga ng family namin si Kim," dagdag ni Daisy.
 
Sa taped message, nagpasalamat sina Gerald at Kim sa mag-asawang Cariño.
 
"Gusto ko lang po magpasalamat, lalo na sa iyo Tita Daisy dahil sa simula pa lang ng career ko ay nandiyan ka na at tinulungan mo ako ng sobra-sobra. Baka wala ako dito ngayon kung hindi din dahil sa iyo, sa mga natutunan ko. God bless po para sa inyong dalawa," ani Gerald.

"Hi Mama Daisy and Tito Jorge a.k.a. my mom and my dad. Napakarami kong mom and dad pero isa kayo doon. Sobrang thank you sa pag-adopt niyo sa akin bilang panganay ninyo. I'm so blessed to have the both of you sa life ko, dahil lagi kayong nandiyan. Kapag may problema, kayo ang puntahan ko. Sinasamahan niyo ako sa pagba-bike, pagra-run, suportado ako... So sobra akong thankful at sobra kong ina-admire ang relationship niyong dalawa. So sana ganyan din ako kapag nakita ko na ang taong para sa akin. I love you both, more blessings, more loving loving together," ani Kim.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.