Elisse Joson, binigyang linaw ang pagiging malapit kay Jameson Blake

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2019 03:16 PM

MAYNILA -- Hindi itinanggi ng Kapamilya star na si Elisse Joson na malapit siya ngayon sa aktor at miyembro ng Hashtags na si Jameson Blake.

Sa naging panayam kay Elisse sa naganap na media conference ng bagong Kapamilya serye na "Sandugo," bnigyang linaw niya ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Jameson.

"We're really good friends. We go out with friends, we get to know each other, but we're friends," ani Elisse.

Ayon pa sa Kapamilya star, mas nais niya muna na kilalanin ang isang tao bago muling pumasok sa isang relasyon.

"Nag-uusap naman po kami, nag-open up ako, parang gusto ko muna ng break from heartache. Siyempre mahirap ulit pagdaanan 'yung napagdaanan ko. Ngayon po mas careful ako sa mga taong kinikilala ko," aniya.

Paliwang pa ni Elisse: "Kailangan tignan mo rin e. Kailangan may aspect na gusto niyo ba ang isa't isa. Siyempre kailangan niyo makita na compatible kayo."

Dito, nagbigay pahayag rin si Elisse sa napabalitang pagiging malapit naman ngayon ng kanyang dating ka-love team na si Mccoy De Leon kay Miles Ocampo.

"Ako po nakakabalita lang rin ako sa fans ng love team namin noon. They're heartbroken, pero sinasabi ko nga po na 'yung personal na buhay ng mga artista po basta masaya sila, masaya na rin po tayo para sa kanila," ani Elisse.

At kung tatanungin rin kung may komunikasyon pa rin ba sila ng dating ka-love team, sagot ni Elisse: "Wala po".

Sa ngayon, abala si Elisse sa nalalapit na pagsisimula ng "Sandugo" na pangungunahan nina Aljur Abrenica at Ejay Falcon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.