Lea Salonga, nagbigay opinyon sa pagpapalit ng lyrics sa pambansang awit

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2018 08:27 PM | Updated as of Sep 25 2018 08:43 PM

MAYNILA-- Kilalang outspoken ang Pinay Broadway Diva na si Lea Salonga sa kanyang mga social media post, kaya naman isa din siya sa mga nahingan ng opinyon ng press sa usapin ng pagpapalit ng lyrics sa pambansang awit ng Pilipinas.

"I love the anthem as it is, I love the spirit. The context is everything, the time period it was written with the spirit,” pahayag pa ni Lea sa naganap na anniversary concert press conference nitong Martes.

Kasunod ito ng naging panukala ni Senate President Vicente Sotto lll na ibahin ang huling lyrics nang nakasanayan na "Lupang Hinirang" mula sa "ang mamatay nang dahil sa 'yo" at gawin ito sa "ang ipaglaban kalayaan mo."

"I told one of my friends, 'You know what, context is everything," ani Lea.

Aniya, hindi na kailangan na tingnan ang literal na kahulugan ng 'Lupang Hinirang."

“The words, ‘Ang mamatay nang dahil sa ’yo,’ it doesn’t have always to be taken so literally," paliwanag pa ni Lea.

Bukod kay Lea, ilang showbiz personality na din ang nagbigay ng kanilang opinyon sa mainit na usapin na ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.