Luis, ibinahagi ang lalim ng relasyon nila ni Jessy

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2017 01:14 PM

MANILA -- Hindi naitago ni Luis Manzano ang kasiyahan sa estado ng relasyon nila ngayon ng nobyang si Jessy Mendiola.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, ibinahagi ni Luis kung paano magpakita ng pagmamahal ang aktres.

"Alam niyo never pa akong naalagaan ng ganito. It sounds selfish na, kaya ako happy dahil may ginagawa siya para sa akin, hindi 'yun ganoon. Dahil parang inspirado ka to be more, parang ganoon. 'Yung sa sobrang alagang ipinapakita niya sa iyo, you want to be a better man, a better person dahil sa ipinapakita niya sa akin," ani Luis.

At sa lahat ng kasiyahan at pag-aalaga na ibinibigay sa kanya ng aktres, isang pasasalamat ang ibinigay ni Luis.

"I'm thankful, very, very thankful that our paths did cross. Who would have thought? Unang-una ;yung age gap ang layo, ang layo nang nakakahalubilo niya at nakakahalubilo ko. So the fact na nag-krus kami in a romantic way parang, thank you," dagdag ni Luis.

Pag-amin ni Luis, ibang klase ang relasyon niya ngayon kay Jessy na nakikita na niya bilang kasama sa hinaharap at ina ng kanyang magiging mga anak.

"Pinangalan na nga namin pero siyempre ayaw naming sabihin. Kumbaga kaswal kaming nag-uusap 'siguro ang puti ni ganito' ayaw kong sabihin yung names. 'Yun ang napag-uusapan namin, may names na kami, naiisip na namin 'yung future. It's not simple pakilig lang, na 'uy tayo ang magkakatuluyan' hindi (ganoon). We actually talked about it, kulang na lang ipa-notaryo namin ang usapin namin," pag-amin ni Luis.

Sa isa namang taped message, nagpasalamat din si Jessy sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Manzano.

"Gusto ko lang sabihin sa iyo na sobrang proud ako sa iyo sa lahat ng blessings na natatanggap mo ngayon sobrang deserve mo 'yan. Gusto ko lang magpasalamat kasi nandiyan ka palagi kapag kailangan kita, yung mga time na may problema ako palaging nandiyan lang yung support mo at pagmamahal mo. Thank you for being who you are and thank you for loving me for who I am. I love you so much," ani Jessy.
 
Sa ngayon ay busy si Luis bilang host "I Can See Your Voice."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.