Paulo Angeles, nahihiya sa kissing scenes nila ni Barbie Imperial?

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 01:11 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by iWant (@iwantofficial) on

Ibinunyag ni Barbie Imperial na mahiyain ang kanyang co-actor na si Paulo Angeles na kasama niya sa iWant series na "Taiwan That You Love."

Ayon kay Barbie, nahihiya si Paulo sa kissing scenes nila. Kaya, dagdag pa ng aktres, siya na ang gumagawa ng first move sa kanyang ka-love team.

Aminado naman si Paulo na "shy type" at "torpe" siya.

Handa na rin si Barbie na gumawa ng "daring projects" kasama si Paulo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.