JM de Guzman, nagpasalamat sa tagumpay ng 'Pamilya Ko'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 01:30 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

MAYNILA -- Lagpas sa inaasahan ni JM de Guzman ang naging reaksyon ng manonood ng bago nilang teleseryeng "Pamilya Ko."

Marami ang nag kumento sa husay na ipinapakita ng cast, lalo na ni JM sa bawat eksenang napapanood sa afternoon serye. Kaya naman abot-abot ang pasasalamat ni JM sa bagong biyaya na ibinigay sa kanyang career.

“Thankful po ako sa mga nare-receive ko na reviews, especially from the management. 'Yun naman din po kasi ang gusto ko gawin at mangyari, ibigay ang best ko and to prove them na I'm grateful, really grateful for the opportunity,” ani JM.

Marami rin ang nakapansin na solo naglakad sa red carpet ng ABS-CBN Ball si JM kahit dikit ang pangalan nya ngayon kay Ria Atayde.

Dito, pabiro ang naging sagot ng actor: “Kasi 'pag may kasama ka, bibitbitin mo 'yung gown at 'yung kamay. Mas okay na bitbit ko lang ang sarili ko at ang sarili ko lang.”

Isang pelikula rin ang nakatakdang simulan ni JM na ;di muna nagbigay ng detalye para maging sorpresa para sa kanyang mga tagasunod.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.