KILALANIN: Ina ni Iñigo Pascual, pumayag lumabas sa telebisyon

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2018 11:53 AM | Updated as of Sep 24 2018 05:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA-- Sa Pilipinas na maninirahan ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo na lumaki sa ibang bansa.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, kinumpirma ng ina ni Iñigo na si Donna Lazaro na dito na sila maninirahan ng anak.

Sa unang pagkakataon, lumabas sa telebisyon ang ina ni Iñigo.

"Dito na talaga kaming dalawa. Kasi gusto niya rito," ani Donna.

Sa programa, binalikan ng mag-ina kung paano nagsimula ang hilig ni Inigo sa musika.

"Noong bata pa, hindi talaga magaling pero mahilig kumanta. ... Sumali siya sa singing sa grade school. Tinawagan ako ng teacher niya na panoorin ko raw kasi sumali sa singing contest. Nagulat ako kasi hindi siya ganun kagaling kumanta pero very confident siyang sumali. So noong after ng contest na 'yon, naawa ako sa kanya pero hindi ko ipinakita, kasi alam ko hindi siya magaling. So, pag-uwi namin noon ay in-enroll ko siya sa voice lessons," ani Donna.

"Feeling ko kasi noon ginagaya niya lang 'yung papa niya. 'Yung gusto niya lang mag-perform, ganito ginagawa ng papa ko. So, sabi ko kailangan mag-voice lessons ka rin," ani Donna.

Binalikan din ng mag-ina ang naging karanasan para tuparin ang pangarap ni Iñigo na pasukin ang showbiz.

"Noong time na gusto na niyang mag-artista sa akin siya nagsasabi. Kasi 'yung papa niya as in no, no talaga. So, ako ang pinapadrino, 'Ma, gusto ko na mag-artista, uwi tayo sa Pilipinas.' So sabi ko, hindi ako pwedeng mag-decide mag-isa kasi may papa siya. Saka dito siya mag-aartista malalaman talaga ng papa niya so paano namin gagawin 'yon? So, nung inuwi ko siya sabi ko trial lang, tapos babalik sa States," ani Donna na masaya sa takbo ng karera ng kanyang anak.

Sa huli, ibinahagi ni Donna at ng kanyang anak ang pangako nila isa't isa.

"Kasi from the start, lahat nang ginagawa niya sinu-support ko, go ako. I'm here Iñigo para i-cheer ka. So, ganun pa rin alam mo na nandiyan pa rin lagi si mommy, kahit 21 ka na," ani Donna.

"Thank you for supporting me in all the things I want to do, my dreams. I would not be able to reach any of these without any of you guys, my parents, my family. You guys keep me grounded wala naman akong makakamit sa buhay kung wala ang support niyo. I love you mom, I will always be here you know that," ani Iñigo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.