Janella Salvador bumalik na sa poder ni Jenine Desiderio

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2018 01:23 PM | Updated as of Sep 24 2018 08:52 PM

Tila isang magandang birthday gift ang natanggap ng aktres na si Jenine Desiderio sa kaniyang kaarawan nitong Linggo, Setyembre 23.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Desiderio ang kaniyang kasiyahan sa muling pagbabalik ng kaniyang anak na si Janella Salvador sa kaniyang tahanan.

Matatandaan na napabalita noon ang pag-alis ng anak sa kaniyang poder dahil sa hindi nila pagkakaunawaan.

"A very happy birthday to me! The best birthday gift i received is having my daughter back, Dun pa lang quota na ko. But God is so generous that he also restored some friendships i lost in the recent years," ani Janine sa Facebook post.

Patunay din ang ilang masayang larawan sa Facebook ni Desiderio kasama ang anak na si Janella.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.