MAYNILA -- Puspusan na ngayon ang paghahanda ni Regine Velasquez para sa kanyang "Iconic" concert kasama si Sharon Cuneta.
Sa naging panayam ng ABS-CBN News kay Regine sa naganap na Gabay Guro Grand Gathering 2019, nagbigay ng update ang Kapamilya singer sa kanyang pananabik para sa nalalapit na two-night concert.
"Siyempre excited ako bilang alam niyo naman na Sharonian ako. I'm also excited for the repertoire na inihanda namin for everyone," ani Regine sa panayam.
"Maraming kaabang-abang kasi, first of all, maraming first time na gagawin namin ni Mega. At saka si Mega hindi siya lagi nakikipag-back to back, so it's such a privilege for me to be doing this concert with her," dagdag pa niya.
Kasabay ng kanyang nalalapit na concert, isa din sa tinututukan ngayon ni Regine ang kanyang pagbabawas ng timbang.
"Kasi alam mo tuwing magko-concert, I really need to be fit. Siyempre kasi mahirap mag-concert kaya lang unfortunately kapag nagko-concert ako dati, kasi wala pa akong 'ASAP,' hindi pa ako kumakanta, once a year lang ako kumakanta para mag-concert so nahihirapan 'yung boses ko. So after lagi akong tumataba kasi nag-steroids ako," paliwanag ni Regine.
"E ngayon hindi ko na kailangan mag-steroids kasi kakanta ako nang kakanta. Wala na siyang choice (laughs) kasi every Sunday I get to sing."
Bukod sa kanyang nalalapit na concert, malaki din ang pasasalamat ni Regine sa kanyang malalapit na kaibigan para sa muling pagkakabalik ng iconic corset na kanyang suot sa cover ng kanyang "R2K" album.
Chuck Gomez at Regine Velasquez nag-pose kasama ang corset na gawa ni Eddie Baddeo. Retrato mula sa Facebook page ni Calvin Neria
"Pinagkagastusan nga 'yun ni Chuck Gomez. Natuwa naman ako, actually nagulat nga siya na hiningi ko e binili niya 'yun e. Tapos nalaman ko kakamatay lang din ni Eddie Baddeo who was the designer of that so I was happy and sad kasi nga I found out that Eddie passed away but andon pa rin siya sa actual mannequin kung saan siya nakalagay," pahayag pa ni Regine.
Sa darating na Oktubre 18 at 19 gaganapin ang "Iconic" sa Smart Araneta Coliseum.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.