MAYNILA – Kinaaliwan ng maraming netizens ang naging pagkikita ng “It’s Showtime” kid host na si Baby Argus at Kapuso actor na si David Licauco kamakailan.
Base sa mga inilabas nina Argus at Licauco sa kani-kaniyang Instagram account, lumabas sila upang kumain at bumili ng ilang mga laruan.
Makikita sa post ni Licauco na sinabayan niya pang umawit ang bata ng viral na kantang “Raining in Manila” ng Lola Amour.
Samantala, nakatanggap si Argus ng malalaking mga laruan kay Licauco sa kanilang pagba-bonding.
Biro ng mga netizen, mukha raw mag-ama ang dalawang personalidad.
“Handa ka na pala maging tatay bro,” kantyaw ng ilang fans kay Licauco.
“So cute naman ng mag-ama,” hirit pa ng isang netizen.
“Dalawang pogi in one frame,” pahayag naman ng isang Instagram user.
Noong nakaraang linggo, nakakulitan din ni Argus ang isa pang Kapuso leading man na si Ruru Madrid.
Ito ay matapos bumisita ang aktor sa “It’s Showtime” kasama ang aktres na si Yassi Pressman.
KAUGNAY NA BALITA
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.