PatrolPH

Karla Estrada, balik-eskuwelahan sa edad na 47

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2022 07:43 PM | Updated as of Sep 23 2022 12:31 PM

Karla Estrada IG

MAYNILA – Pinatunayan ng aktres at TV host na si Karla Estrada na wala sa edad ang pagkakaroon ng pagkakataong mag-aral. 

Sa kaniyang Instagram account, ipinasilip ni Estrada sa netizen ang kaniyang pagbabalik sa paaralan sa edad na 47. 

Sa nasabing post, makikita ito sa pasilyo ng Philippine Christian University sa Maynila habang suot ang kaniyang school ID.

“And the journey begins,” maikling saad nito sa caption. 

Pabiro pa itong humirit na hinahanap na niya agad ang canteen ng naturang eskuwelahan: “Where’s the canteeeeen?”

Nitong Hulyo, nagpaalam na si Estrada sa “Magandang Buhay” matapos ang higit limang taon na pagiging host nito.

Matatandaang pansamantalang iniwan ni Estrada ang morning show nang magsimulang mangampanya ito para sa isang party-list na nagwagi nitong nakaraang eleksiyon.

Ayon kay Estrada, focus muna siya ngayon sa kanyang trabaho bilang nominee ng party-list.

May apat na anak ang host kabilang ang panganay niyang si Daniel Padilla. 

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.