Gusot sa pagitan ni Kylie Verzosa at Maxine Medina, maayos na nga ba?

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 06:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Tila unti-unti nang nagbabalik ang dating pagkakaibigan ng dalawang beauty queen-actress na sina Kylie Padilla at Maxine Medina na bahagi ng programaang "Los Bastardos."

Kasunod ito nang pinag-usapan na pagkakasakitan umano ng dalawang beauty queen sa isang maaksyon na eksena ng top-rating Kapamilya serye.

Sa naging pagbisita ng "Los Bastardos" stars sa "ASAP Natin 'To" nitong Linggo, magkasama sa isang dance number sina Maxine at Kylie na tila natapos na ang gusot sa pagitan nilang dalawa.

Bukod sa muling pagsasama sa pagsasayaw, tila muli na rin nanumbalik ang pagkakaibigan ng dalawa sa social media kasunod ng napa-ulat ang pag-unfollow nila sa isa't isa.

Sa ngayon, todo paghahanda na ang mga bida ng "Los Bastardos" para sa nalalapit na pagtatapos ng serye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.