Jon Lucas ng Hashtags may bagong pelikulang pagbibidahan

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2016 12:45 PM

MANILA - Abalang-abala si Jon Lucas sa pag-eensayo sa kanilang dance concert kasama ang buong Hashtags.

Pero good news sa fans ni Jon dahil may bagong pelikula rin ang aktor at kilig ambassador ng Kapamilya noontime show na “It's Showtime.”

Tampok si Jon sa action-drama-suspense-thriller na "Higanti" kasama sina Meg Imperial, Jay Manalo at Assunta de Rossi.

"Bago po ako maging Hashtag member, nakagawa na rin po kami ng mga pelikula. Ito po 'yung una kong indie film na malaki po talaga kasi ako po 'yung anak ni Leni," ani Jon.

Ang pelikula ay kuwento ng isang mayamang businesswoman na si Leni na pinagtaksilan ng kanyang corrupt na pulitikong asawa na gagampanan naman ni Jay Manalo.

Tatalikuran din siya ng kanyang mga anak na sina Francis at Jean at pipiliting agawin ang mga ari-arian ni Leni.

Dahil sa sama ng loob, ilang beses na inatake sa puso si Leni hanggang sa siya'y ma-comatose.

Ngunit dahil sa kagustuhang mabawi ang kanyang mga anak, nilabanan ni Leni ang kanyang karamdaman at pinilit na bumangon.

Kasama rin sa pelikula sina Ruby Ruiz, Daniel Pasia at Kiko Matos.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.