PatrolPH

'She nails it every time': Maxene, hanga kay Angelica bilang aktres

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 12:43 PM

'She nails it every time': Maxene, hanga kay Angelica bilang aktres 1
Maxene Magalona at Angelica Panganiban. Mga kuha mula sa Instagram account nina Maxene (@maxenemagalona) at Angelica (@iamangelicap)

Inamin ni Maxene Magalona na hinahangaan niya sa pag-arte at pagpapatawa ang "Playhouse" co-star na si Angelica Panganiban.

Bagaman kontrabida ang papel ni Maxene sa comedy-drama serye na pinagbibidahan ni Angelica, ibinahagi niya na sa tunay na buhay ay iniidolo niya ang aktres.

Watch more on iWantTFC

"People think drama is hard to do. Comedy din po, sobrang hirap ng comedy. 'Yong timing kailangan, importante 'yan, and Angelica just nails it every time," sabi ni Maxene sa "Tonight With Boy Abunda."

"Idol ko siya kasi she can do drama and comedy at the same time."

Dagdag pa ni Maxene, na-"intimidate" siya kay Angelica sa husay nito sa pag-arte.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maxene Magalona-Mananquil (@maxenemagalona) on

Inilarawan din ni Maxene si Angelica base sa pagkakakilala niya rito mula pagkabata. 

Kapuwa naging bahagi ng youth variety show na "Ang TV" ang dalawa noong dekada 90.

"Napakabait po talaga na tao and sobrang gaan and very totoong tao po talaga siya," ani Maxene.

Mapapanood ang "Playhouse" mula Lunes hanggang Biyernes bago ang "It's Showtime."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.