'Unfollow na raw ako': Richard Yap, inaming kinaiinisan siya ngayon dahil sa 'Kadenang Ginto'

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 02:45 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

MANILA -- Isa si Richard Yap sa mga inaabangan ngayon na karakter sa tumitinding mga eksena tuwing hapon sa "Kadenang Ginto."

Baguhan man sa Kapamilya series, mainit na mga komento na raw kaagad ang kanyang natatanggap mula sa mga manonood.

"Oo! 'Yung iba, i-unfollow na raw ako kasi naiinis daw sa akin kasi hindi nila alam kung kalaban ba ako or kakampi," kuwento niya sa naganap na 2019 ABS-CBN Ball.

Watch more in iWant or TFC.tv

Marami man daw ang nahihiwagaan sa kanyang karakter na si Leon, positibo pa rin niya itong tinatanggap para pagbutihan pa ang kanyang pagganap.

"That means I'm doing my job kasi affected sila, and that's good for me. I hope that everybody continues to support 'Kadenang Ginto,'" aniya.

Pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez at Dimples Romana ang "Kadenang Ginto" na mapapanood tuwing hapon sa ABS-CBN, pagkatapos ng "It's Showtime." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.