'Maiinis na naman kayo sa akin': Yam Concepcion, excited sa bagong role

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 11:19 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Kinainisan siya noon bilang si Jade sa teleseryeng "Halik."

At ngayon, nagbabalik si Yam Concepcion sa bagong papel sa seryeng "Love Thy Woman" na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Pinag-usapan agad ang pagpasok ni Yam sa bagong palabas dahil pinalitan niya si Erich Gonzales na original choice para sa role.

"Technically, parang ang dating ako ang second choice. Pero I don't think so because she was the one who backed out naman sa show, and ako 'yung unang choice nila to portray the role. So wala naman 'yon, okay lang 'yon. At least may work," aniya.

Naikumpara rin ni Yam ang bagong role kay Jade na sumubok sa kanyang acting talent.

Hindi raw malayo na maiinis na naman sa kanya ang mga manonood sa bagong gagampanan.

"Ibang-iba siya kay Jade, very different. Mayaman na ako rito. Pero we will see kasi I'm still getting to know the character, so dapat nilang abangan. Pero sobrang bratty-bratty niya, maiinis na naman kayo sa akin," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.