Alex Gonzaga, may nilinaw sa nakaraan nila ni Kean Cipriano

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2018 11:17 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nilinaw ni Alex Gonzaga na hindi niya naging nobyo ang bokalistang si Kean Cipriano.

Sa panayam ng aktres sa "Tonight With Boy Abunda," sinabi ni Alex na hindi sila nagkaroon ng seryosong relasyon ni Kean.
 
"Grabe talaga kayo, makapagpa-isyu talaga. May asawa na 'yung tao," ani Alex. 

Nang matanong kung magkaibigan sila ni Kean, sagot ni Alex: "Opo. Friends naman kami. Actually si Kean, nakita ko talaga 'yung growth niya as a person, lalo na nung nag-asawa siya."

"Kasi sa totoo lang, hindi sila naniniwala pero hindi ko talaga ex si Kean. Hindi talaga. Hindi siya part ng libro ko, wala talaga. Dumating siya ng parang biruan. Pero hindi siya dumating na parang seryoso, kaya puwede kaming maging magkaibigan kasi hindi naman namin nasaktan ang isa't isa."

Sa ngayon ay magkatrabaho sina Alex at Kean sa sikat na programang "I Can See Your Voice."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.