Negi, ibinuking ng mga kaibigan na sina Pepay at Petite

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2019 03:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Muling binalikan ng mgakakaibigan na sina Petite, Negi at Pepay ang kanilang masasayang alala bilang magkakaibigan.

Sa kanilang panayam sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, tila nagkabukingan ang magkakaibigan sa ilan sa mga hindi nila malilimutan sa masasayang kulitan.

"Nagpunta kami ng Palawan, sabi ko, 'Pangarap ko makasakay ng eroplano.' So natuloy 'yun and hindi ko makalimutan 'yun kasi siya 'yung nagpa-experience no'n, tapos hindi ko pa makakalimutan 'yun kasi 'yun din naiwan kami pabalik," kuwento ni Negi.

Hindi rin nakalagpas si Negi sa mga ibinunyag ng kanyang mga kaibigan sa kanya.

"Nagugulat ka kasi ako, 'pag rumaraket kami ng ibang probinsya, magugulat ka bumibili ng gitara," kuwento ni Pepay.

"Sabi niya, 'Para sa tatay ko.' Sabi niya (Petite), 'Uy ang hilig ng tatay mo sabong, kailan pa nagkaroon ng accustic sa sabungan,'" masayang kuwento pa ng kaibgan ni Negi.

Isa din sa nakahiligan ni Negi ang pag-aalaga ng aso. Kuwento ni Pepay, minsang bumili ng aso si Negi.

"Binigyan siya ng aso malaki. Pag-deliver sa bahay nila malaki na 'yung aso, pinasok sa bahay nila, lahat sila hindi kilala ng aso, lahat sila nasa labas ng bahay nila 'yung aso na sa loob," masayang kuwento pa ni Pepay.

Unang nabuo ang pagkakaibigan nina Pepay, Negi at Petite sa isang comedy bar kung saan sila nagsimula bilang mga stand-up comedian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.