SB19 bumida sa 'ASAP,' nanguna sa Twitter PH trends

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 01:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Humataw sa pagkanta at pagsayaw ngayong Linggo sa "ASAP Natin 'To" stage ang Pinoy pop (P-pop) group na SB19, na naguna sa trending topics ng Twitter sa Pilipinas.

Pinabilib nina Sejun, Josh, Stell, Ken at Justin ang mga manonood sa pagtanghal nila ng kanilang ikalawang single na "Go Up," na inilabas noong Hulyo.

Sa Twitter, nag-top ang hashtag na #SB19OnASAPNatinTo sa listahan ng Philippine trends.

 

Unang nakilala ang SB19 matapos mag-viral sa social media ang video ng kanilang dance practice para sa kantang "Go Up."

Nag-debut noong Oktubre 26, 2018 ang SB19.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SB19 Official (@officialsb19) on

Binuo ang grupo ng Philippine branch ng Korean entertainment company na SHOWBT Entertainment.

Nilinaw ng SB19 na bagaman sinanay sila ng isang Korean entertainment company dito sa Pilipinas, itinuturing pa rin nilang P-pop ang kanilang musika.

"Ang pino-produce pa rin po naming music is P-pop. Bali gusto po naming i-promote 'yong music ng Pilipinas," sabi ni Justin sa panayam ng "ASAP."