Ryza Cenon, may komento tungkol sa ex na si Cholo Barretto at Angelica Panganiban

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 12:57 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

MAYNILA -- Tila nasa tamang kondisyon na raw ngayon ang lagay ng puso ng "The General's Daughter" star na si Ryza Cenon matapos ang naging hiwalayan nila ng dating nobyo na si Cholo Barretto.

Ngayong taon, kabilang si Ryza sa mga solo na rumampa sa red capet ng taunang pagsasama-sama ng mga bituin sa ABS-CBN Ball.

"Okay naman po ako," tugon ni Ryza sa naging panayam ng press.

Dito, inamin rin Ryza na tapos na siya sa moving-on stage sa naging hiwalayan nila ng dating nobyo.

"New journey na, sa new chapter na tayo," aniya.

Hindi rin naiwasan na tanungin si Ryza kung ano ang kanyang reaksyon sa napabalitang pagmamabutihan ngayon ng dating nobyo sa Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

"Kung ano man ang sa kanila, wala na ako doon, kaya nga break na kami e. So wala na," aniya.

"Kung doon po sila masaya, masaya ako para sa kanila," pahayag pa niya.

Mayo nitong taon nang kumpirmahin ni Ryza sa "Tonight With Boy Abunda" na tapos na ang kanilang relasyon ng dating nobyo.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.