Regine Velasquez, nag-alinlangan sa kanyang pagbabalik-pelikula

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 08:31 PM

Regine Velasquez. Shiela Reyes, ABS-CBN News

Kasabay ng kaniyang unang pagrampa sa ABS-CBN Ball nitong Sabado, nagbigay update ang Kapamilya singer na si Regine Velasquez para sa kaniyang nalalapit na concert kasama si Megastar Sharon Cuneta sa Oktubre.

Kuwento ni Regine, plantsado na ang kanilang mga kakantahin at uumpisahan na ang kanilang rehearsal para sa kanilang concert.

"Finally, we're already finalizing the repertoire so next phase na kami which is the rehearsals, pero medyo matagal tagal pa 'yun. Pero alam mo kasi, alam ko lahat ng kanta niya e," sabi pa ni Regine.

Ito ang unang beses na magsasama sa isang entablado si Regine at Sharon.

"So this will be a combination of her beautiful hits and also my songs, excited na ako," aniya.

Bukod sa nalalapit na concert, abala din ngayon ni Regine para sa kaniyang pelikula na "Yours Truly, Shirley" na bahagi ng nalalapit na 2019 Cinema One originals ngayong Nobyembre.

"Katatapos ko lang siya actually," ani Regine na inaming nagkaroon din sya ng duda kung gusto nga ba niyang magbalik-pelikula.

Sa kabila nito, natapos pa rin ni Regine ang kaniyang proyekto.

"Kinakabahan kasi ako, but noong nag-umpisa na okay na. Ganun lang naman ako e kailangan ko lang i-convince ang sarili ko na gagawin ko na talaga, but when we started na 'yun na dire-direcho na and I had so much fun working with everyone," pahayag pa niya.

Sa ngayon, isa si Regine sa mga regular na napapanood tuwing Lingo sa "ASAP Natin 'To".

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.