Kylie Padilla at Aljur Abrenica, excited na sa pagdating ng kanilang bagong baby

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 01:58 PM

MAYNILA -- Isa sa mga rumampa sa naganap na 2019 ABS-CBN ball ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla na anim na buwang buntis ngayon.

Nagdadalang tao man, hindi naawat si Kylie na samahan ang kanyang mister na si Aljur para sa taunang pagsasama-sama ng mga Kapamilya stars.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 🌙 (@kylienicolepadilla) on

Dito, inilarawan ni Kylie ang kanyang muling pagbubuntis. "Malapit na! December ako manganganak," ani Kylie.

Magkahalong saya at pananabik naman ang nararamdaman ni Aljur para sa paparating na bagong miyembro ng kanilang pamilya. "Alam ko masarap kasi darating na ang anak ko," tugon ni Aljur.

At kung tatanungin kung ilang anak ang kanilang plano sagot ni Aljur. "Anim," pabirong sabi ng aktor.

"Siya 'yun, sabihin ko tatlo lang sana e, pero okay na kami sa dalawa. Pero kung may darating pa na isa, okay lang pero sana babae," hirit naman ni Kylie.

Dobleng saya din ang nararamdaman ni Kylie para sa mister na magbabalik-telebisyon para sa "Sandugo" kung saan makakasama niya si Ejay Falcon.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Mas excited pa nga ako sa kanya e," ani Kylie.

Si Aljur naman labis na pananabik din ang nararamdaman sa kanyang muling pagbabalik-telebisyon.

"Sobrang excited, sobrang thankful sa binigay ng ABS-CBN and Dreamscape. Pangarap namin ni Ejay [Falcon] 'to e. Dati pinag-uusapan lang namin at ngayon eto na. First time 'to for me so excited ang journey," pahayag ni Aljur.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.