Nagpakilig ang tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin sa set ng "TV Patrol" nitong Setyembre 14, 2023.
MAYNILA — Nagpakilig ang tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin sa set ng "TV Patrol" nitong Huwebes.
Sa pagtatapos ng pagbisita ni Diaz sa "TV Patrol" bilang Star Patroller, sumama si Fedelin sa aktres para imbitahan ang publiko na panoorin ang kanilang bagong serye na "Fractured".
Si Diaz at Fedelin ay bumida sa hit teleserye na "Dirty Linen" na natapos na nitong Agosto.
Bibida sila sa bagong seryeng "Fractured" na mapapanood na sa iWantTFC simula bukas.
KAUGNAY NA ULAT: