Pagtatapos ng 'Sana Dalawa ang Puso,' puno ng kilig at pag-ibig

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 03:38 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Puno ng pag-ibig at kilig ang pagtatapos ng pang-umagang seryeng "Sana Dalawa ang Puso" nitong Biyernes.

Pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Robin Padilla, at Richard Yap, ang serye ay nag-trending din sa Twitter gamit ang hashtag na #Heart2HeartFinale.

Kinagiliwan at sinubaybayan ng mga manonood ang "Sana Dalawa ang Puso" na tungkol sa buhay nina Mona at Lisa (parehong ginampanan ni Jodi), kambal na pinaglayo pero muling pinagtagpo ng tadhana.

Mula sa kanilang unang pag-ibig, naging one time, big time ang happy ending ng kani-kanilang love story.

Si Mona ay nakatuluyan na ang kanyang one great love na si Martin (Richard) matapos makuha ang lahat ng signs sa universe na sila ang itinadhana. 

Si Lisa naman ay nakuha na ang matagal na hinahangad na pagtanggap ng ama sa relasyon nila ng kanyang asawang si Leo (Robin). 

Matapos ang isang taon, parehong nabuo ang pamilya nina Mona at Lisa sa pagsilang ng kani-kanilang mga anak na kambal.

Sa huli, isang malaki at masayang pamilya ang nagsama-sama na bunga ng ipinaglaban na pangarap at pag-ibig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.