Jessica Sanchez pinasaya ang mga Pinoy sa Europe

Mye Mulingtapang, ABS-CBN Europe News Bureau

Posted at Sep 14 2018 12:56 PM

MILAN, Italy – World-class performance ang inihandog ng American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez para sa Filipino community sa Ireland at Milan noong Setyembre 8 at 9.

Sa Dublin, ipinarinig ng Filipina-Mexican singer ang kaniyang powerful voice sa Pinoy fans. Hindi nawala sa set list ni Sanchez ang crowd favorite na “I Will Always Love You” ni Whitney Houston.

Masaya ang 23-anyos na Idol singer na nakapag-perform siya para sa Pinoy fans sa Europe.

“It’s been a lot of fun and the Filipino community is the same. They’re all welcoming, they’re all loving, they’re family-oriented which I love,” sabi ni Sanchez.

Sa Milan, mainit na tinanggap ng mga Pinoy ang proud Pinay singer sa back-to-back concert niya kasama ang mga talented youth performers.

Kinanta ni Sanchez ang kaniyang bagong single na “Caught Up” na ang music video ay kinuhanan pa sa Amsterdam.

“I got to sing in front of the Filipino community out here and I was super excited, just as I expected. As usual, the Filipino community is so warm and welcoming,” dagdag pa niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.