Debbie Gibson at Tiffany, nakisaya sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 03:46 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Nakisaya sa "It's Showtime" ang 80s pop icons na sina Debbie Gibson at Tiffany na nasa bansa ngayon para sa kanilang concert ngayong Sabado, September 15 sa Mall of Asia Arena.

Nitong Biyernes, inawit ni Debbie ang "Foolish Beat," at kinanta naman ni Tiffany ang pinasikat niyang "I Think We're Alone Now."

Matatandaang si Debbie rin ang nagpasikat sa mga awiting "Lost In Your Eyes," "Sure," "No More Rhyme," at ang mga nakakaindak na kantang "Electric Youth" at "Shake Your Love."

Samantala, si Tiffany ay kilala sa kanyang mga hits na "All This Time," "If Love Is Blind," "Hearts Never Lie," "It's The Lover," at "Radio Romance."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.