PatrolPH

Kim Molina, ibinahagi ang matatag na relasyon nila ni Jerald Napoles

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2019 03:10 PM | Updated as of Sep 13 2019 06:44 PM

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- "Going strong." 

Ganito inilarawan ng aktres na si Kim Molina ang relasyon niya kay Jerald Napoles.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ibinahagi ni Kim na limang taon na ang relasyon nila ni Jerald na nagsimula nang magkasama sila sa musical na "Rak of Aegis."

Nito lamang taon nang aminin nina Kim at Jerald ang totoong estado ng kanilang relasyon.

"Five years na po kami. Going strong. We are very happy," ani Kim.

"Nag-start po kami sa Rak of Aegis, magka-love team kami sa 'Rak of Aegis' tapos 'yon, nabangka po ako ni Tolits. Bangkero po kasi siya roon. So medyo nagkatotoo. So ayon," dagdag ng aktres.

Si Kim ay isa sa mga bituin ng sikat na seryeng "Kadenang Ginto." 

Maliban sa Kapamilya serye, bibida si Kim sa pelikulang "Jowable" na ipapalabas ngayong Setyembre 25.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.