Gabby Concepcion masaya sa love life ng anak na si KC

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2018 08:44 PM | Updated as of Sep 13 2018 08:57 PM

MAYNILA — Ramdam ngayon ng aktor na si Gabby Concepcion ang kasiyahan ng anak na si KC Concepcion pagdating sa buhay pag-ibig nito.

Sa naganap na last shooting day ng pekikulang “Man and Wife” na pagbibidahan ng aktor kasama si Jodi Sta Maria, ibinahagi ni Gabby ang kanyang reaksyon sa love life ng anak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on

“Kahit na ano ang gusto niya, 'yun na din ang gusto ko, walang problema,” tugon ni Gabby sa press nitong Huwebes sa set visit ng pelikula sa Alabang.

Aminado naman ang aktor na wala pa siyang pagkakataon na makilala ng personal ang bagong nobyo ng kanilang anak ni Sharon Cuneta.

“Hindi ko pa nakikilala pero mukhang mabait naman,” ani Gabby.

Aniya, hindi pa rin daw sila nakakapagkuwentuhan ng anak tungkol sa mga bagong pangyayari sa buhay nito.

“Wala pa, pinababayaan ko na lang. Alam mo tayo pag in-love tayo minsan nakakalimutan natin 'yung nasa paligid natin. Ganun talaga yun kahit na sino,” pabirong sabi pa ni Gabby.

Bilang isang ama naman, hindi din naiwasan na itanong sa aktor kung handa na siya sakali na magpaalam na si KC na magpapakasal na ito.

“I’ll be ready! Alam mo naman ako, sala sa init, sala sa lamig,” pahayag pa ng aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.