Coco Martin, tutok lang sa paggawa ng magandang pelikula | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Coco Martin, tutok lang sa paggawa ng magandang pelikula

Coco Martin, tutok lang sa paggawa ng magandang pelikula

Jeff Fernando,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 13, 2018 12:29 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Sa papalapit na Metro Manila Film Festival, handa na si Coco Martin at co-stars na sina Vic Sotto at Maine Mendoza sa pelikulang "Jack Em Popoy" na nag-pictorial na kamakailan.

Kuwento ni Coco, magaan at positive vibes sila sa set habang binubuo ang pelikula.

"Wala kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa sa set. Kapag action naman, tinotodo namin. Kasi sabi namin, pelikula ito; hanggat maari malagpasan natin ang ginagawa natin sa 'Ang Probinsyano,'" ani Coco.

Isa sa iniiwasan ni Coco ang pressure na kumita ng malaki sa box office. Ang priority niys ay makabuo ng magandang pelikula.

"Sabi ko nga kapag 'yan (box office) ang pinasok mo sa isip mo, masakit pa niyan baka ma dissapoint ka eh. Ang pinakamaganda ngayon is magtulungan na lang kung paano natin mapapasaya ang mga Filipino para wala ng isyu," paliwanag ni Coco.

ADVERTISEMENT

At nagbigay patikim ang aktor sa mga dapat abangan sa "Jack Em Popoy."

"First time ko dito lahat eh. Sabi ko nga kung gagawa ako ng pelikula siyempre gusto ko makita ng tao 'yung 'di ko pa nagagawa sa TV kaya lahat, sing and dance, rap, basta lahat ang dami. Siyempre sabi nga namin itodo na natin," ani Coco.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.