McCoy De Leon, inamin na malapit sila ngayon ni Miles Ocampo

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 03:15 PM | Updated as of Sep 12 2019 06:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi itinanggi ni McCoy De Leon na malapit sila ngayon ni Miles Ocampo.

"Iba siya e. Kumbaga naiintindihan niya ako. Hindi siya parang artista 'pagka nakakasama ko," tugon ng aktor sa panayam sa "Tonight With Boy Abunda." 

Deretsahan din na tinanong si McCoy kung may relasyon na ba sila ng Kapamilya star. "Siguro Tito Boy, wala pa," aniya.

At kung tatanungin naman kung may posibilidad ba na mauwi sa isang relasyon ang kanilang pagiging malapit ngayon, sagot ni McCoy: "Kung puwede." 

Dito, nahingan din si McCoy ng mensahe para kay Miles. "Kung may problema ka or 'pag kailangan mo ako, dito lang ako palagi," ani McCoy.

"Yun lang, ayoko madaliin lahat e. Masaya po kami kung ano pong status po namin," dagdag pa niya.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.