Rufa Mae, kasamang muli ang asawa sa California

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 12:04 PM

MANILA -- Ibinahagi ni Rufa Mae Quinto ang saya na muling makasama ang asawang si Trevor Magallanes na nakabase sa California.

Matatandaang sa nakaraang pagbisita ni Rufa Mae sa "Magandang Buhay" ay inamin nitong nasasanay na siya sa long-distance relationship nilang mag-asawa.

Pero sa kanyang Instagram nito lamang Martes,nag-post si Rufa Mae ng retrato kung saan kitang buo ang kanyang pamilya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rufa Mae Quinto (@rufamaequinto) on

Nasa labas ng bansa ngayon si Rufa Mae para sa ilang shows kung saan sasamahan siya ng kanyang asawa na ngayon ay pulis sa San Francisco.

"Ang saya ko," ani Rufa Mae sa caption.

"Chance ko ding mag-congratulations sa kanya kasi police na ang asawa ko," dagdag ni Rufa Mae.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.