Nadine Lustre nagpasaya sa mga batang may sakit sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 03:57 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by VIVA ARTISTS (@vivaartistsagency) on

Nagbigay-saya sa mga batang may karamdaman sa Cebu City ang aktres na si Nadine Lustre.

Sa Instagram post ng Viva Artist Agency nitong Lunes, katuwang si Nadine ng isang organisasyon sa pagbibigay kasiyahan sa mga batang may congenital heart defect sa Vicente Sotto General Hospital sa Cebu.

Abala man sa shooting ng kanyang bagong pelikula na "Ulan," hindi naman nabigo ang mga bata na maka-bonding ang kanilang idolo kahit sa maikling oras.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.