Liza Soberano, handa na nga ba makipag-trabaho sa ibang leading man?

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2019 08:26 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

MAYNILA -- Nagbigay update ang Kapamilya star na si Liza Soberano para sa kanilang nalalapit na balik-telerserye ng nobyong si Enrique Gil.

Sa naging panayam sa aktres nitong Miyerkoles, naikuwento niya ang kanilang nakatakdang byahe abroad para kuhanan ang mahahalagang eksena ng bagong Kapamilya serye.

"We're actually going to be taping soon for a new teleserye with Enrique. Actually we're going to leave the country sometime this week or next week I guess, but I don't have any details yet as to where or what's the story all about. But they're going to send the story within the week," ani Liza.

Bukod sa bagong programa, isang nakalinyang pelikula rin daw ang nakatakdang gawin ni Liza.

"Meron actually, but I don't know the story yet, pero mayroon nang naka-line up," aniya.

At dahil napapanahon ngayon ang bagong tambalan sa mga pelikula, naitanong din sa aktres kung handa na ba siya kung sakaling bigyan siya ng ibang leading man.

"I'm open to working with anyone naman. I don't have any specific in mind yet, pero kung ano ang mabibigay at maipapayo ng ABS-CBN and if I think if it's best for my career, then why not?" aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.