Maine Mendoza, sasabak na rin sa 'Ang Probinsyano'?

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2018 06:31 PM | Updated as of Sep 12 2018 08:51 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Handang handa na para sa nalalapit na 2018 Metro Manila Film Festival ang mga bida ng “Jack Em Popoy: The PulisCredibles.” 

Ito ang unang proyekto na pagsasamahan nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza.

Kuwento ni Coco nitong Martes sa naganap na pictorial ng MMFF entry, ibang klaseng experience ang makatrabaho sila Bossing Vic at Maine.

“Sabi nga nila sa 'Eat Bulaga,' talagang pamilya, which is sabi ko nga nakakatuwa kasi talagang winelcome nila ako,” sabi pa ni Coco sa press.

At kahit na galing sa dalawang magkaribal na TV network sina Vic at Coco, hindi itinanggi ng “Ang Probinsyano” star ang posibilidad na pagtawid niya sa “Eat Bulaga” para mag-promote.

“Kumbaga ngayon naman nakakatuwa kasi open na e. Makikita naman natin ang mga taga-GMA nag-shoot ng pelikula sa Star Cinema, gumagawa ng pelikula,” ani Coco.

“Ang ano lang natin ay magtulungan tayo sa industriya, kung paano pa tayo makakagawa ng maganda pang pelikula,” sabi pa ng aktor.

Gaya ni Coco, bukas din daw sa posibilidad si Maine na mapanood sa top-rating Kapamilya series.

“Oo naman tignan natin,” pahayag pa ni Maine.

Inaasahan na mapapanood ngayong Pasko ang “Jak Em Popoy: The PulisCredibles” na opisyal na kalahok sa 2018 MMFF.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.