PatrolPH

Ilang sikat, paano tumutugon sa taas-presyo ng bilihin?

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2018 09:05 PM | Updated as of Sep 11 2018 09:35 PM

Watch more on iWantTFC

Sa kabila ng makislap na pamumuhay, umaaray na rin ang mga artista sa epekto ng 6.4 porsiyentong inflation rate sa bansa, at ang sunud-sunod na dagdag-presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas at gulay.
 
Bilang ina, personal na naramdaman ni Pokwang ang inflation dahil umonti raw ang bilang ng bilihin na nagagawa niya sa kaniyang budget. 

“Dati naggo-grocery ka P5,000, P10,000... ito lang 'yun?“ aniya. 

Nadismaya naman si Donna Cariaga, na tubong Baguio, sa mahal ng presyo ng gulay sa kanilang lugar.

“I’m from Baguio, nakakalungkot na maski sa Benguet mataas na gulay,” aniya. 

Dama din ng singer-actress na si Bayang Barrios ang hampas ng 6.4 percent inflation, lalo na’t may panahong hindi nagiging regular ang kanilang kita. 

“Mga artists tulad ko na nagkakapera lang kapag may gig, ang hirap! Wala naman kaming monthly, gulay na nga lang at gatas para sa mga bata, grabe talaga 'tong nangyayari,” aniya. 

Ani Miss Philippines World 2017 Laura Lehmann, nakakatulong rin daw ang pagbabawas sa gimik para makatipid. 

Payo ni Iza Calzado na dapat na rin matutong mag-sideline, tulad ng pagluto at pagbebenta ng banana cue. 

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.