TFC News

Meet and greet ng ASAP stars dinumog ng fans

Rose Eclarinal | ABS-CBN Europe News Bureau

Posted at Sep 10 2023 09:20 PM

MILAN - Agad na sumalang sa ASAP rehearsal sina Regine Velasquez, KZ Tandingan, Jonah, Martin Nievera, Maymay Entrata at ang buong pwersa ng ASAP Natin ‘To performers, para siguruhing walang sablay sa mismong live show.

Habang sa labas, matiyagang nakapila ang fans para sa kaabang-abang na meet and greet sa batch 1 ng ASAP stars na sina Iñigo Pascual, Janella Salvador, Joshua Garcia, Kim Chiu at Piolo Pascual.

1

“Hello, we came from Belgium, we are here in ASAP Milan to watch Coco Martin and we’re excited,” sabi ni Meiren at Raquel Labajo, fans mula sa Belgium.

Pambihirang pagkakataon daw ito para makasama at makapag-papicture sa kanilang idolo. Maya-maya lang, batch 2 naman ng sumalang sa meet and greet.

2

Masaya ring nakisalamuha sa fans sina AJ Bonifacio, DonBelle love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Darren Espanto, Kim Chiu at Martin Nievera.

Pagkatapos nito, ang platinum ticket holders ay binigyan ng pasilip sa rehearsal ng show. Inabangan sa live show ang pagsasama-sama ng higit 40 ASAP stars at local performers para sa special back-to-back live show na mapapanood rin sa ABS-CBN.

6
Para sa fans, rehearsal pa lang ang napanood nila, pero sulit na sulit na raw ang kanilang biyahe at pagod.

“Regine Velasquez, we’ve been listening to her music for more than 20 years. So this is the best time to see her,” sabi ni David Pidgeon, fan mula sa Barcelona, Spain.

7
8

“I’m Malcolm from the UK. I’m a massive fan of TFC and all the artists. I was able to join ASAP in London, ASAP in Rome, then ASAP in Milan. Thank you guys for what you’re doing, your entertaining the masses. Maraming-maraming salamat po, Mabuhay, Pilipinas,” sabi ni Malcolm Conlan, fan mula sa UK.

8

Para naman sa ASAP stars, bukod sa oportunidad na makapagpasaya sa mga kababayan, malaki rin daw ang tinatanaw nilang utang na loob sa longest running musical variety show ng Pilipinas.

“I guess, I owe a lot to ASAP. I wouldn't have been around this long. I wouldn't be doing what I am doing if not for ASAP. It's my training ground as a singer, as host. Being in ASAP for more than 20 years makes me feel wanted, makes me feel as if I have a family that I can go home to. It makes me feel complete,” sabi ni Piolo Pascual.

“What I love about ASAP? Kasi normal na kapag magkakatrabaho kayo, pamilya na kayo. ‘Pag pumunta sa ibang bansa, naka experience ng ibang culture and then nakapag-perform kayo sa Kapamilya natin. At the same time, naho-hone yung talent mo,” sabi ni Joshua Garcia.

Institusyon sa telebisyon na nagbibigay ng saya at inspirasyon sa pamamagitan ng musika, iyan ang ASAP Natin ‘To para sa ating mga kababayan sa Italya at Europa.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italya, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO: